
Eh kasi, ever since nag-highschool ako, president nko ng class for 2 years. Una, nung Faith pko, tinry ko lang naman. Masaya, pero nakakapagod in a way. Tas, nung Amity nko, mas lalong humirap ung pagiging president. Ung feeling na, ikaw ung laging inuutusan, tas, pag maingay ung klase tas hindi mo sila nabawalan, ikaw ung mapapagalitan. Tas, pag recess na, halos 10 minutes nlng ung recess mo kasi ung mga kaklase mo, nagpapaganda pa ng napakatagal sa classroom tas ung iba, ayaw pang lumabas tas hindi mo man mailock ung room. Haynako. Tas, lahat ng projects sayo ipapass. Kaya nga pag dismissal, sigaw ako nang sigaw sa room kung meron pang magpapass. Tas balik balik ako sa faculty. Tas, ewan. Basta mahirap maging president. Kargo mo ung cleanliness and discipline ng buong klase. Ngayon, Junior nko. Gusto nila, maging president nanaman ako. Noong patapos na ung 2nd year ko, sinabi ko, wag muna ako tumakbo for any position next year, kasi, gusto ko namang maranasan ung maaga kang magrerecess, maaga kang uuwi, hindi ung hihintayin mo pa ang lahat ng cleaners, tas kung madumi pa, ikaw pa maglilinis. Well. Kaya ko naman un. Kaya kung naging president man ako ulit this year, okay fine. Basta dapat. responsible at ginagawa ung ibang tungkulin ng ibang officers. Un. Masaya nun ung room pag ganun. :)
Another school year nanaman. And this time, we’re juniors. And, I landed in section Micah. Happy ako na sad. Hahahaha. Happy kase, nandun pa naman ung mga gusto kong maging kaklase at dating friends na mababaet at sad kase, ung iba kong friends, nasa proverbs (isa pang best section). Hindi naman sa natatakot ako pero, ewan ko ba. Parang kinakabahan ako kahit almost 3/4 ng magiging classmates ko, kilala ko na. I’m happy na kaklase ko ulit ung iba tulad nina Ken, Chan, Marc, Gloriel, She, Bri at iba pa. Pero, mamimiss ko nyan sina Sha, Yann, Pat, Leah at iba pa. Sana maging kaclose ko sila. :D Lalo na magkasama kame for 205 days. Wow. Honestly, may kaklase ako naayaw kong maging kaklase.Sorry ah. Kilala ko naman sila, pero, parang di ko sila feel. Ah bsta, I need to cope up with them. May balak din akong tumakbo ulit na president. Hahahaha. Pero, not sure naman un. Overall, excited nko! :D See you, III - Micah. :)
Let’s try this one! :D
I had this one saved :)
Day 1 - Favorite Book in the Series
Day 2 - Least Favorite Book in the Series
Day 3 - Favorite Character
Day 4 - Favorite Villain
Day 5 - Saddest Moment
Day 6 - Favorite Professor
Day 7 - Least Favorite Professor
Day 8 - Favorite Subject
Mga ano to eh. Mga models and fashion thingy. :D Ung PRP3, Project Runway Philippines 3. Ung dito, Filipino designers sila na obviously gumagawa ng clothes. Tas siguro alam nyo naman ung ANTM. America’s Next Top Model. :D Ewan ko. Pero, maganda silang panuorin eh. :)))
Kaya kay mama ako nagpapakuko. Hahahahaha. Nakakahiya noh? :)
Oras na ba para magkalove life? Hihihihihi. Lez wait for the right time. :D Pero, parang may nagugustuhan nako. hmmm. Ayie! <3
Nakapagopen-up lang ako sa mga kaibigan ko kahapon. Grbe. Ewan ko ba. Madami ding nakakaalam eh. Pero, pano ko kaya sasabihin na hindi man totoo un? Waaaaaah. Sorry guys kung linoko ko kayo for like 2 years? Joke lang un noh. Pero, naging crush ko kasi sya ng matagal. Medyo na carried away lang ako ng bahagya. Hahahahaha. Un po. Hihihihi. Naiconfess ko na rin to for many confessions. :D Sorry. :))
Hayyy. Bye Cor-Unum 2011-2012, pero lab na lab ko kayo and proud ako na nakasama ko kayong lahat lalo na ung mga seniors. Salamat sa sayang ibinigay nyo kahit na unang beses ko palang sa Cor. Salamat tlga. Da best kayo guys. Super nakakatawa talaga kayo. Hahahaha. Ayun. Hello Cor-Unum 2012-2013. Isang bagong pagsubok na nanaman ang aming kakaharapin dahil nga kami ang bahala sa School Paper namin. At, mula sa pgiging editor ng isports, baka maging Associate-News Editor ako. Napakahirap na trabaho. Dati kasi, iba pa ung Associate Editor sa News Editor, pero, pinagsama ngayon at ako ung editor na iyon. Marunong naman akong magsulat ng balita pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Nakakapagsulat lang ako kapag nasa mood ako o kaya nama’y maganda ang balita. Pero, ganun paren. Nag-aalala ako next year kasi, wala na ung dati kong katrabaho pero, nandyan pa naman ang mga 3rd years na tutulong samen. Pero, kahit ganoon, mamimiss ko sila. Iba kasi pag sila ang kasama. Hay. Miss ko na kayo. Sana po maging maayos ung Cor-Unum next school year. God Bless sa aming lahat. :D
Dear Daddy God,
Patapos na ung school year, finals na namen. Sana po, tulungan nyo po ako. Sana po, I’ll get high scores. Sana po, di po ako mahirapan. Please po? Last na to Dad. Promise pagbubutihin ko. :) Thank you po. :D
Binibilang-bilang ko na ang nalalabing araw ko bilang isang sopomor sa aking paaralan. Nalalapit na ang ikaapat na markahang pagsusulit namin. Sa Hunyo, Junyor na tawag sa amin. Ang bilis ng panahon diba? Parang kailan lang na unang pagpasok ko sa seksyon ko, ang Amity. Mahiyain pa noon ako. Hindi na bago ang aking mga kaklase dahil halos lahat, naging kaklase ko ng 1st year plng kame o kaya noong elementarya pa. Pero, syempre. Natural lang na tahimik ka muna sa mga unang linggo ng taunang pampaaralan. Pero, di kalaunan, nagiging madaldal ka na rin. Sa una din, halos di mo makausap ang iyong mga guro, pero, sa bandang huli, parang ate o kuya mo nalang ang turi mo sa kanila diba? Masaya talaga ang ikalawang taon ko sa high school. Bilang isa sa apatnapung katao na napabilang sa seksyong Amity, malaki ang hamon samin. Malaki ang ekspektasyon sa amin. Inaasahan kaming magpakita ng ganitong kataas na marka. Oo, tama kayo na, ang aming top 1 ay may average na 94.78 na ganyan, pero, ganon tlga. Halos matataas ang aming nakukuhang grado. Kaya, pasok kaming lahat sa listahan ng honors. Ang dami na talagang nangyari. Sa loob lamang ng siyam na buwan ay nakabuo kami ng isang malakas na samahan; samahan ng mga magkakaibigan/magkaklase at samahan sa mga guro. Nakabuo din kami ng malakas na ugnayan sa ibang seksyon, lalo na sa Counsel at Forbearance dahil sila ang aming naging kasangga sa ginanap na Intramurals 2011 noong Nobyembre. Maging sa mga paligsahan ay di kami magpapatalo. Kahit sa una ay medyo, 3rd place lang ang nakukuha namen, lagi naming iniisip na, may susunod pa. Kaya, ipinagmamalaki ko na nagkampeon kami noong Songfest 2011 noong Disyembre.
Ang bilis talaga ng panahon noh? Konti na lang ang oras na mauupo tayo sa ating mga upuan dahil sa susunod na taong pampaaralan, iba na ang ating gagamitin. Bababa na tayo mula sa ating gusali at “titira” sa Exodus, Ezekiel, Genesis, Isaiah, Jeremiah, Judges, Micah at Proverbs at baka madagdagan pa ang mga iyan dahil marami-rami tayo. Magpapaalam na tayo sa ating mga guro dahil ibang guro nananaman ang ating makakaharap. Paalam na rin sa Biology dahil Chemistry naman ang ating susubukan. Sana ay maging magkaklase parin kami at maging kayo, upang maging masaya. Pero, walang nakakaalam, baka maging kaklase ko kayo diba? Hahaha. Di na rin tayo pupunta sa air-conditioned na Bio Lab dahil sa Chem Lab naman tayo. Maraming magbabago. Bagong lockers na rin niyan, bagong libro, bagong gamit, bagong ID. Bagong kulay na rin ang ating year level sapagkat kulay PULA na tayo imbes na DILAW. Magbabalik na rin ang ating EOP na hindi natin naranasan ngayon. At higit sa lahat, hihintayin na rin natin sa wakas at gagawin na rin natin ang Prom. So, magpapagwa na rin kayo ng mga isusuot nyo ah? Hahahaha. Iba na rin ang schedule natin nyan sapagkat, hindi na ganon ang oras ng ating recess. Sabay na tyo sa mga 4th year. Madami talagang nagbago, ngunit sana, walang magkakalimutan sa ating mga kaklase at guro ngayon. AMITY, COUNSEL, COURAGE, FORBEARANCE, JOY, PEACE, PIETY, WISDOM AT UNDERSTANDING, kita-kits tayo ulit sa susunod na taong pampaaralan. Ang letrang “J” na ang nakatahi sa ating mga polo at skirts. Exciting diba? Pero, ienjoy muna ang summer. :) Malapit na rin. Hanggang sa muli. :)
Sopomor tayo ngayon, Junyor na tayo nyan. :)